Ang mga
pagkaing pampagana (Ingles:
appetizer) o mga
hors d'oeuvre ( or //, ; , literal na "bukod pa sa [pangunahin] gawain" o ang
unang kurso, ay mga
pagkain na inihahain bago pa man ang pangunahing mga kurso ng isang
tanghalian o
hapunan. Ang katawagan nito sa wikang Pranses (isahan man o maramihan) ay
hors d’œuvre; sa wikang Ingles, ang
ligatura o
pang-angkop na
œ ay karaniwang pinapalitan ng digrapong "oe" na ang maramihang anyo ay kadalasang isinusulat bilang "hors d'oeuvres" at binibigkas na . Mayroong ilang mga kaugnay na mga kataga, katulad ng amuse-bouche, na isang pampaganang nakakain nang isang kagatan lamang, at iba pa.