Sa
batas, ang
hudikatura,
sistemang panghukuman, o
sistemang panghukuman (Ingles:
judiciary,
judicature,
justice system, o
judicial system) ay ang sistema ng mga hukuman na namamahala sa
hustisya sa ngalan ng
soberanya ng
estado, isang mekanismo upang maayos ang mga hindi pagkakasunduan, sigalot o gulo. Binubuo ito ng Kataastaasang Hukuman, Hukuman ng mga Apela at iba pang mababang hukuman. Sa ilalim ng doktrina ng paghihiwalay ng mga kapangyarihan, ang hudikatura ay hindi maaaring gumawa o magpatupad ng
batas, na nasa pananagutan ng
tagapagbatas at
tagapagpaganap, tagapaghukom , ngunit sa halip, kung mayroon isang pagtatalo, binibigyan ito ng kahulugan at nilalapat ang batas sa mga katotohanan ng bawat kaso.