hukbong himpapawid


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Hukbong himpapawid
Ang hukbong himpapawid o hukbong panghimpapawid ay ang bahaging panghimpapawid ng militar ng isang bansa na lumalaban habang nasa himpapawid. Binubuo ang puwersang panghimpapawid ng mga eruplanong katulad mga eruplanong pandigma at mga eruplanong pambomba. Maaari rin may mga helikopter ang isang hukbong himpapawid. Ang pinakamalaking puwersang panghimpapawid ay ang Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos o United States Air Force (USAF). May ilang mga hukbong dagat na may sarili nilang mga hukbong himpapawid. Lumilipad ang mga eruplano ng hukbong panghimpapawid ng hukbong dagat magmula sa mga barkong tagapagdala ng sasakyang lumilipad (barkong tagapagdala ng sasakyang panghimpapawid) na nasa dagat.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.