Ang
hukbong himpapawid o
hukbong panghimpapawid ay ang bahaging panghimpapawid ng
militar ng isang bansa na lumalaban habang nasa himpapawid. Binubuo ang
puwersang panghimpapawid ng mga
eruplanong katulad mga eruplanong pandigma at mga eruplanong pambomba. Maaari rin may mga
helikopter ang isang hukbong himpapawid. Ang pinakamalaking puwersang panghimpapawid ay ang Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos o United States Air Force (USAF). May ilang mga
hukbong dagat na may sarili nilang mga hukbong himpapawid. Lumilipad ang mga eruplano ng hukbong panghimpapawid ng hukbong dagat magmula sa mga barkong tagapagdala ng sasakyang lumilipad (barkong tagapagdala ng sasakyang panghimpapawid) na nasa dagat.