Ang
gutom,
kagutuman, o
pagkagutom, na kilala rin bilang
istarbasyon,
gawat,
tagbisi,
kauplakan,
pasal,
pagkalam ng sikmura dahil sa gutom, ay ang paglalarawan ng kalagayang panlipunan ng mga tao o mga organismo na palaging nakakaranas, o namumuhay na may panganib na makaranas ng damdaming pangkatawan na pagnanais ng
pagkain. Sa makapanitikang diwa, katumbas ito ng
paghahangad,
pagnanais, o
pananabik sa ibang bagay. Bagaman tinatawag din itong istarbasyon, mas tiyak na tumutukoy ang istarbasyon sa katayuan ng tao o hayop na hindi kumakain ng pagkain sa loob ng isang panahon kung kaya't hindi sila nakakagawa ng mga bagay sa normal na paraan.