Ang
katarungan o
hustisya ay tumutukoy sa
katuwiran (binabaybay ding
katwiran),
pagiging wasto o
kawastuhan (binabaybay ding
kawastuan),
katumpakan, at pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas o sa harap ng isang hukuman. Ibinibigay sa makatarungang paghuhukom, paghuhusga, o gawain ang parehas na paghahawak at pakikitungo, at pagbibigay ng karampatang gawad o trato, o kaya ng
karampatang pagkilala.