Ang
hipnosis (Ingles:
hypnosis) ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng artipisyal na "
pagtulog" o katayuan na parang natutulog kung saan nagiging sunud-sunuran ang isang taong nasa ilalim ng
hipnotismo (mula sa Ingles na
hypnotism) sa sinasabi ng
hipnotista, ang taong nagsasagawa ng hipnotismo o paghihipnosis o
paghihipnotismo. Naimbento ang salitang
hypnosis sa loob ng dekada ng
1800. Nagmula ito sa isang Griyegong salitang may kahulugang "papunta sa pagtulog". Sa kasalukuyan, karamihan sa mga siyentipiko ang sumasang-ayon na magkaiba ang pagtulog at ang hipnosis, bagaman ginagamit pa rin nila ang mga pananatiling "pinatutulog" o "papatulugin" ang kanilang mga pasyente at "paggising" o "gisingin" ang mga ito kapag nanghihipnotismo. Itinuturing na bigo ang isang eksperimento sa hipnotismo kapag tunay na nakatulog ang paksang tao at nagsimula nang maghilik. Bilang dagdag, sumasang-ayon din ang mga siyentipiko na mas kalmado o nakapahinga kaysa karaniwan ang isang taong nahipnotismo, kaya't mas nagnanais itong tumanggap at gumalaw batay sa mungkahi o suhestiyon ng ibang tao.