Ang
histerya ay isang uri ng neurosis o
pagkabaliw na may labis o sobra at hindi mapigilang pagkatakot o pagkasindak. Mailalarawan din ito bilang isang kaguluhan sa
sistemang nerbyos na may tanda ng labis na
kasiyahan, kasiglahan, kasabikan, kalikot ng galaw o kilos, kaantigan, kapukawan, o pangingilig; mayroon itong biyolenteng bugso ng damdamin. Tinatawag na
histeriks o
histeriko ang pagkakaroon ng sumpong o dalaw ng histerya.