Ang
iPod ay tatak ng mga nabibitbit na media player na ginawa at ipinagbibili ng
Apple. Inilunsad ito noong
2001. Mga manunugtog ng tinig ang mga kagamitang sakop ng iPod, na idinisenyo sa palibot ng gulong na kliniklik sa gitna – bagaman mayroon ding mga butones ang iPod shuffle. Noong
Oktubre 2005, binubuo ang hanay ng pang-limang henerasyong iPod, na may kakayahang magpalabas ng video, ang mas maliit na iPod nano, ang ang walang displey na iPod shuffle. Nilalagay ng iPod ang media sa isang
hard drive sa loob nito, samantalang ginagamit ng mas maliit na iPod nano at iPod shuffle ang flash memory. Maaari ring magsilbing panlabas na imbakan ng datos ang iPod. Idineklara ng Apple ang iPhone noong Enero 2007, isang kagamitang nagsanib sa kakayahang magpalabas ng video sa iPod, kakayahan ng isang
teleponong nabibitbit at mga kakayahang may kaugnayan sa Internet.