Ang
hydrocarbon o
idrokarburo (Espanyol: ) ay isang uri ng
langkapang kimikal na binubuo lamang ng
hidroheno at ng mga
atomo ng
karbon. Matatagpuan sila sa magagaspang na mga
langis na kung tawagin ay krudo. Inihihiwalay ang hidrokarbon sa pamamagitan ng distilasyong praksiyunal (na nangangahulugang pinaghihiwa-hiwalay sila upang maging iba't ibang mga pangkat). Ang hidroheno o karbon ay ikinakabit sa piling ng mga hindi polar na kobalenteng buklod o mga
non-polar covalent bond. Dahil sa kawalan ng polar na kobalenteng mga buklod, ang mga hidrokarbon ay hindi makakalikha ng mga buklod na hidroheno sa piling ng tubig, at ang mga ito ay hidropobiko (literal na "ayaw ng tubig").