Ang
pagsasakdal (
Ingles:
impeachment /im·píts·ment/) ay ang proseso kung saan ang isang opisyal ay inaakusahan ng katiwalian o paglabag sa alituntunin na ang maaaring kahinatnan ay pagkatanggal sa puwesto ng naakusahan at iba pang kaakibat na kaparusahan. Isa itong paraan ng pagtatanggal ng mga opisyal, karaniwan sa
pamahalaan mula sa kanilang tungkulin. Nangyayari ito kapag ang isang opisyal ay ayaw bumaba ang kanyang trabaho o gampanin. Katulad ito ng isang
indictment, na isang pang uri ng
paghahabla at isang bagay na dapat munang makuha ng tagausig bago maganap ang
paglilitis. Pagkaraang maisakdal o maparatangan ang isang tao, bumoboto ang
lehislatura kung hahatulan o sesentensiyahan ba o hindi, o kaya tuklasin kung
nagkasala nga ba o hindi ang akusado. Ang ikalawang lehislatura ay minsang binubuo rin ng kaparehong mga tao na nagsakdal sa pinaratangan, subalit hindi naman kung minsan.