Ang
impeksyon,
lalin,
lanip,
hawa, o
pagkakahawa ay ang pagpasok ng
mikroorganismo sa loob ng mga
lamuymoy o
tisyu ng katawan, kasama ang paglaki ng buhay na mga organismong ito habang nasa loob ng katawang pinasok o nahawahan. Isa ring kakayanan ang
paghawa na maipasa, makapagpasa, o mailipat ang mga sakit o mikrobyong nagdurulot ng karamdaman mula sa isang tao papunta sa isa o iba pang tao sa pamamagitan ng pagkalat ng mga nasabing mikrobyo o mikroogranismo. Tumutukoy din ang salitang ito sa mismong mikroorganismo o maruming bagay na nagdurulot ng pagkakahawa ng sakit o karamdaman.