- Tungkol ito sa isang bahagi ng pananalita, para sa elementong may sagisag na "At", pumunta sa Astatino.
Ang
at - pinapaikling
't kapag kasunod ng isang patinig, karaniwang
a, tulad ng sa
iba't-ibang - ay isang
bahagi ng pananalita na nagsasama, naglalakip, nagpipisan o
pang-ugnay ng mga salita, mga parirala, at mga buong pangungusap na may magkaparehong
palaugnayan. Kaugnay ito o katumbas din ng mga salitang
saka at
pati. Sa
Ingles, katumbas ito ng salitang
and (bigkas:
/end/). Sa
Kastila, katumbas ito ng paggamit ng
y bilang pang-ugnay, na hiniram at ginagamit lamang sa
wikang Tagalog para sa oras (halimbawa: sa pariralang "ala-siyete y medya" o ikapito at talumpung minuto [ikapito at kalahati]) at bilang isang pang-ugnay ng mga panggitnang pangalan ng mga tao (halimbawa: Jose Rizal y Mercado). Sa ganitong mga paggamit, binibigkas na /i/ ang
y, katulad ng sa salitang
ilapit. Hinggil sa kaugnayan sa
saka at
pati, isang halimbawang paggamit ang pagsasama ng
at at
saka na nagiging
at saka na nangangahulugang "bilang dagdag sa", "bilang karagdagan", o "gayon din ang". Bagaman maaari rin namang mangahulugang
dagdag o
bilang dagdag ang salitang
saka kaya't nagagamit ding pamalit sa salitang
at. Katumbas ang
saka ng Ingles na
also. Sa pangkatagalugang gamit, nagiging
't ang
at kapag pinaiikli.