Ang
in pectore (Latin para sa "nasa loob ng
dibdib/
puso") ay isang katagang ginamit sa
Simbahang Katoliko Romano upang tukuyin ang mga pagtatalaga sa Kolehiyo ng mga Kardinal na isinagawa ng
Santo Papa kapag ang pangalan ng bagong itinalagang cardinal ay hindi ibinubunyag sa madla (itinatabi ito ng Papa sa kanyang “kaibuturan”). Ang karapatang ito ay bihirang isinasagawa, karaniwang sa mga pagkakataon kung saan nais ng Papang magbigay ng pahayag para sa darating na mga manunulat ng kasaysayan hinggil sa isang parangal na nakalaan para sa isang kleriko o pari, subalit ayaw na manganib ang klerikong iyon sa kanyang kasalukuyang kalagayan ng pag-uusig.