Ang
pagpapasinaya,
inaugurasyon, o
pagtatalaga sa tungkulin ay ang pormal na seremonya upang bigyang tanda ang simula ng isang bagay katulad ng pagluluklok ng isang pangulo sa kanyang katungkulan, at isa ring seremonya kung kailan pormal na ginaganap ng pangulo ang
panunumpa sa tungkulin. Pinakaraniwan sa mga paggamit nito ang diwa ng pagkakaroon ng isang pormal na paggagawad o pagpapataw ng katungkulan (ang
investiture sa Ingles), kaya't ito rin ang
pahimis o
pormal na simula ng panunungkulan ng nahalal o nahirang na tao, katulad ng sa isang politiko na nahalal bilang pangulo ng bansa o pinuno ng estado. Sa okasyong ito ipinapahayag ng nahirang sa mamamayan ang kanyang mga layunin bilang pinuno sa pamamagitan ng isang talumpati. Sa isang monarkiya, maihahambing ito sa isang koronasyon o pagpuputong ng korona. Bukod sa mga nabanggit, maaari ring tumukoy ang pagpapasinaya sa opisyal na pagbubukas o pagsisimula ng isang institusyon o kayarian (istruktura).