Ang
hindi nagbabagong masa, na tinatawag ding
nakapahingang masa,
tunay na masa, o
tumpak na masa (Ingles:
invariant mass, rest mass, intrinsic mass, proper mass o
mass lang) ay katangian ng kabuuang enerhiya at
momentum ng obhekto o isang sistema ng mga obhekto na pareho sa lahat ng mga balangkas ng reperensiya na may kaugnayan sa mga
transpormasyong Lorentz. Kapag ang sistema sa kabuuan ay nakapahinga(at rest) o kapag ito ay katumbas na may sero net momentum, ang inbariantong masa ay katumbas ng kabuuang enerhiya ng sistema na hinati ng c
2. Dahil sa ang masa ng mga sistema ay dapat sukatin ng timbang o skalang masa sa isang balangkas ng reperensiya kung saan ang sistema ay mas sero momentum(ang sentro o gitna ng balangkas na momentum), ang gayong skala ay palaging sumusukat sa inbariantong masa ng sistema.