Ang
Indibidwalismo ay ang paninindigang
moral,
pilosopiyang pampulitika, ideyolohiya, o pananaw na panlipunan na nagbibigay-diin sa "ang kahalagahang moral ng
indibidwal". Isinusulong ng mga indibidwalista ang pagsasakatuparan ng mga layunin o mga nais ng isang tao, kaya't ang pinahahalagahan ay ang
kalayaan at pansariling kapakanan habang tinututulan ang karamihan sa panlabas na mga panghihimasok sa pansariling mga kainaman, maging ng
lipunan,
mag-anak o anumang iba pang pangkat o institusyon.