Sa pangkalahatan, ang
imperensiya ay ang mga
konklusyon ng tao sa isang pangyayari o obserbasyon. Tinatawag din itong
pagkakilala,
hinuha,
paghango,
paghulo, o
pagkuro. Ang imperensiya ay ang kilos o proseso ng paghango ng mga konklusyong panglohika magmula sa mga saligan na nalalaman o ipinapalagay bilang
totoo. Ang
konklusyong nailabas ay tinatawag na idyomatiko. Ang mga [Panuntunan ng imperensiya|panuntunan ng katanggap-tanggap na imperensiya ay pinag-aaralan sa larangan ng
lohika. Ang imperensiyang pantao (iyong kung paano nakagagawa ng mga konklusyon ang mga tao) ay nakaugaliang pinag-aaralan sa loob ng
sikolohiyang pampagtalos; ang mga mananaliksik sa
intelihensiyang artipisyal ay nakapagpaunlad ng awtomadong mga sistemang pang-imperensiya upang magaya ang imperensiyang pantao. Ang imperensiyang pang-estadistika ay nagpapahintulot ng imperensiya mula sa datong kuwantitatibo.