Ang
inhenyeriya,
inhenyeria,
inhinyeriya (mula sa
Kastilang ingeniera,
ingeniería) ay ang paglalapat ng
agham upang matugunan ang pangangailangan ng sangkatauhan. Nagagawa ito sa pamamagitan ng
kaalaman,
matematika, at pratikal na
karanasan na nilalapat sa pagdibuho ng mga may gamit na bagay o
proseso. Tinatawag na
inhinyero o
inhenyero (
inhinyera o
inhenyera kung babae) ang mga propesyonal na nagsasanay sa inhinyeriya.