Ang
inhinyeriyang pangkompyuter (Ingles:
computer engineering) ay isang
disiplinang pang-akademiya na nagsasama-sama ng ilang mga larangan ng
inhinyeriyang pangkuryente at
agham na pangkompyuter na kailangan upang makapagpaunlad ng mga sistemang pangkompyuter. Ang mga
inhinyerong pangkompyuter ay karaniwang mayroong pagsasanay sa
inhinyeriyang pang-elektroniks (o
inhinyeriyang elektrikal), disenyo ng sopwer, at integrasyon ng harwer at sopwer, sa halip na inhinyeriyang pangsopwer o inhinyeriyang elektroniko lamang. Ang mga inhinyerong pangkompyuter ay kasangkot sa maraming mga aspeto ng hardwer at sopwer ng pagkokompyut, magmula sa disenyo ng indibiduwal na mikroprosesor, mga kompyuter na personal, at mga superkompyuter, hanggang sa disenyo ng sirkito. Ang larangang ito ng
inhinyeriya ay hindi lamang tumutuon sa kung paanong gumagana ang mga sistemang pangkompyuter, subalit gayundin ang kung paano sila naisasama sa loob ng isang mas malaking kasaklawan.