inhinyeriyang sibil


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Inhinyeriyang sibil
Ang inhinyeriyang sibil o inhinyeriyang pambayan ay isang disiplina ng inhinyeriyang prupesyunal na humaharap sa pagdidisenyo, pagbubuo, at pagpapanatili ng pisikal at likas na itinatatag na kapaligiran, kabilang ang mga pagawain katulad ng mga kalsada, mga tulay, mga kanal, mga prinsa, at mga gusali. Ang inhinyeriyang sibil ay ang pinaka matandang disiplina ng inhinyeriya pagkaraan ng inhinyeriyang pangmilitar, at binigyan ito ng kahulugan upang maipagkaiba ang inhinyeriyang hindi pangmilitar magmula sa inhinyeriyang pangmilitar. Nakaugalian itong hinahati-hati sa ilang mga kabahaging disiplina na kinabibilangan ng inhinyeriyang pangkapaligiraninhinyeriyang geoteknikalgeopisikageodesiya, inhinyeriyang pangkuntrol, inhinyeriyang estruktural, biyomekaniks, nanoteknolohiyainhinyeriyang pangtransportasyonagham na pangmundo, mga agham na pang-atmospera, inhinyeriyang porensiko, inhinyeriyang urbano (inhinyeriyang munisipal), inhinyeriyang hidroliko (inhiyeriya ng napagkukunan ng tubig) agham ng materyales (inhinyeriyang pangmateryales), pamamahala ng dalampasigan (inhinyeriyang kostal), pagsusurbey, at inhinyeriyang pangkonstruksiyon. Nagaganap ang inhinyeriyang sibil sa lahat ng mga antas: sa publikong sektor hanggang sa munisipal hanggang sa mga pamahalaang pambansa, at sa pribadong sektor mula sa mga indibiduwal na nagmamay-ari ng kabahayan hanggang sa mga kumpanyang internasyunal.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.