Ang mga
kompuwestong inorganiko ang anumang
kompuwestong kimikal na hindi naglalaman ng
karbono o sa ibang salita ay isang kompuwestong kimikal na hindi isang
kompuwestong organiko. Ang mga kompuwestong organiko ay naglalaman ng mga kawing na karbon kung saan ang isa o higit pang mga atomong karbon ay kobalenteng nakakawing sa isang atomo ng ibang uri na ang pinakakaraniwan ay
hidroheno,
oksiheno o
nitroheno. Ang ilang mga kompuwestong naglalaman ng karbono ay tradisyonal na itinuturing na mga kompuwestong inorganiko kabilang ang
monoksidong karbono,
dioksidong karbono, mga karbonata, mga
siyanuro, siyanato, mga karbido, at tiyosiyanato.