inprared


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Infrared
Ang infrared (pinapaiksi bilang IR; Espanyol: infrarroja) ay isang uri ng radyasyong elektromagnetiko (isang alon o daluyong na may kuryente). Ang daluyong ay mas mahaba kaysa liwanag na nakikita ng mga tao at mas maiksi kaysa sa mga mikro-alon (microwave). Ang salitang infrared ay nangangahulugang nasa ilalim ng pula. Nagmula ito sa salitang Latin na infra (may ibig sabihing nasa ilalim) at ng salitang Ingles na red o kulay "pula". (Ang liwanag na infrared ay may prekwensya o dalas na nasa ibaba o nasa ilalim ng prekwensiya ng pulang liwanag.) Ang pulang liwanag ang may pinakamahabang liboyhaba o "haba ng alon" na nakikita ng mga tao. Hindi nakikita ng mata ang mga alon na infrared. Ang daluyong na infrared ay nasa pagitan ng 750 nm at 1 mm. Nararamdaman ng mga tao ang infrared bilang init. Karamihan sa mga pangmalayuang pantaban o remote control ay gumagamit ng infrared upang makapagpadala ng mga signal na pangkontrol.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.