Ang
Instrumentong de-kuwerdas,
instrumentong may kuwerdas,
instrumentong de-bagting, o
instrumentong may bagting (Ingles:
stringed instrument,
string instrument) ay isang uri ng
instrumentong pangmusika na naglalabas ng
tunog sa pamamagitan ng umuug-og na kuwerdas. Sa iskemang Hornbostel-Sachs ng paguuri ng instrumentong pangmusika na ginagamit sa
organolohiya, ito ay tinatawag na kordopono. Ilan sa mga pangkaraniwang instrumentong de-kuwerdas ay ang
gitara,
biyolin,
biyola,
tselo,
doble baho,
banjo,
mandolin,
ukulele, at
harpa.