Ang
buumbilang (
Ingles:
integer na mula sa
Latin na
integer, literal na nangangahulugang "hindi ginalaw" kaya "buo": nagmula ang salitang
entire sa kaparehong pinagmulan sa pamamagitan ng
Pranses) ay likas na bilang na kabilang ang 0 (
0,
1,
2,
3, ...) at kanilang mga negatibo (0, -1, -2, -3, ...). Ito ang mga
bilang na hindi na kailangang isulat na bahagi ng isang hating-bilang o desimal at pumapatak sa loob ng isang pangkat (
set) {... -2, -1, 0, 1, 2, ...}. Halimbawa, mga buumbilang ang 65, 7, at -756; ang 1.6 at 1½ ay hindi. Sa ibang katawagan, buumbilang ang mga bilang na maaaring bilangin katulad ng
mansanas, o
daliri, at kanilang mga negatibo, gayon din ang 0.