Ang
intelihensiyang artipisyal o
katalinuhang artipisyal (Ingles:
artificial intelligence o
AI) ang katalinuhan ng mga makina at sangay ng
agham pangkompyuter na naglalayong lumikha nito. Nagmula ang salita bilang isang paksa ng Konperensiya sa Dartmouth noong 1956 ni
John McCarthy. Inilarawan ito ni McCarthy bilang isang agham at inhinyeriya ng paggawa ng intelihenteng mga makina.