Ang mahinang interaksyon, kilala rin bilang mahinang puwersa, mahinang puwersang nukleyar o mahinang lakas nukleyar, ay isa sa apat na Pamantayang Modelo o puwersang pundamental sa santinakpan. Katulad ng lahat ng mga pundamental na puwersa, dinadala ito ng isang partikulong tinatawag bilang boson. Nagdurulot ang mahinang puwersang nukleyar ng pagkabulok na beta at radyoaktibidad.