Ang
Pagtatalik na pampuki o
Pagtatalik na ginagamit ang titi at puki, na tinatawag ding
interkursong seksuwal, ay ang anyo ng pagbulog o pagkasta sa tao. Habang ang pangunahing likas na layunin nito at resulta ay ang
reproduksiyon, kadalasang itong ginagawa sa kabuuan para sa kasiyahan at/o bilang isang pagpapadama ng
pag-ibig at ng pagiging matalik at pagkakalapit ng kalooban ng mga nagmamahalan. Kilala rin bilang
coitus,
sexual intercourse, o
vaginal sexual intercourse sa Ingles, ito ang payak o basikong paraan ng reproduksiyon ng mga tao, at maaaring pabungaran ng
paglalaro bago magtalik, na humahantong sa
kaantigang seksuwal ng magkapareha, na nagreresulta sa
pagkagalit ng
titi at sa pangkaraniwan ng likas na pagdulas (likas na lubrikasyon) ng
puki. Upang makalahok sa
pagtatalik na pangtiti at pampuki, ang
nakatayo at naninigas na titi ay ipinapasok sa loob ng puki at isa o kapwang gagalaw ang mga nagtatalik upang maipaindayog ang titi na pasulong at paurong habang nasa loob ng puki upang makapagdulot ng pagkuskos at paghagod, na karaniwang hindi tinatanggal ng lubusan ang titi. Sa ganitong paraan, naeestimula o napananabik ng magkatalik ang bawat isa, na kadalasan nagpapatuloy sa
gawaing ito hanggang sa marating ang
kasukdulan na isa sa kanila o kapwa nila makakamtan ang
orgasmo. Para sa kababaihang tao, ang estimulasyon ng
tinggil ay may isang mahalagang gampanin sa pagtatalik; karamihan sa mga babae (70-80%) ang nakararating lamang sa kasukdulan sa pamamagitan ng tuwirang estimulasyon ng tinggil, bagaman ang estimulasyong pangtinggil (halimbawa, sa pamamagitan ng pagtatalik na pampuki) ay maaari ring hindi maging sapat (tingnan ang
orgasmong pambabae). Ang penetrasyon o pagpapasok sa pamamagitan ng matigas at nakatayong titi ay tinatawag ding
intromisyon (
intromission sa Ingles), o sa katawagan nito sa Latin na (Latin para sa "pagpasok ng titi"). Sa oras ng
ehakulasyon o
pagpapalabas ng
tamod ng titi, na kasangkot sa pagdating sa kasukdulan ng lalaki, isang magkakasunod na mga kontraksiyon ng masel o pagsaginsin ng kalamnan ang nagpapadal ng
semen o tamod na naglalaman ng mga
gameto (
gamete) na tinatawag na mga sihay na
esperma o espermatosoa mula sa titi papasok sa loob ng puki.