Ang mga
balyena,
tandayag, o
tindayag (Ingles:
whale) ay mga malalaking
mamalyang pantubig. Kabilang sila sa mga
cetacean o
cetacea na hindi mga
lumba-lumba. Bagaman may salitang
whale sa mga pangalang Ingles ng mga
orka (Ingles:
killer whale) at
pilot whale, hindi mga tunay na balyena ang mga ito, sapagkat kabilang sila sa pang-agham na klasipikasyon ng mga lumba-lumba. Tinatawag ding mga
dambuhala ang mga ito.