Ang
ispektrum (isahan) o
ispektra (maramihan), kilala rin bilang
natatanaw na ispektrum,
natitingnang ispektrum, o
nakikitang ispektrum, ay isang bareta o halang ng ilang mga
kulay:
pula,
narangha,
dilaw,
lunti,
bughaw,
indigo, at
lila. Makikita ang ispektrum kapag pinadaan ang liwanag ng
Araw sa isang babasaging prismo at pinahintulutang magtipon sa isang tabing na puti. Tinatawag na
solar na ispektrum ang nalikhang magkakasunud-sunod na mga kulay ng halang ng sinag ng araw na pinadaan sa prismo. Kinakatawan ng
ispektrum na solar (
ispektrum ng [liwanag ng]
araw) ang disintegrasyon (paghihiwa-hiwalay o pagkakalansag-lansag) ng nakikitang liwanag upang maging bumubuong mga bahagi o mga kulay. Ang nagaganap na pagkakakalas-kalas na ito dahil ang may iba't ibang mga liboy-haba o
haba ng alon ang iba't ibang mga sinag, kung saan mas nahihirapan sa paglusot o pagdaan sa prismo ang may mas mahahabang mga sinag kaya't mas may repraksyon o pagkakabali (tingnan din ang repleksyon).