Ang
itim na butas (
Ingles:
blackhole) ay isang rehiyon sa espasyo-oras na bumaluktot na wala kahit liwanag ay maaring makatakas dito. Ito ay isa sa mga prediksiyon ng
Teoriyang pangkalahatang relatibidad ni
Albert Einstein na ang isang sapat na siniksik na
masa(mass) ay maaaring magpabaluktot ng
espasyo-oras upang lumikha ng itim na butas. Ang pag-iral ng mga itim na butas ay hindi direktang maoobserbahan kundi sa pamamagitan lamang ng pagmamasid ng mga grabitasyonal na interaksiyon nito sa mga nakapaligid dito. Si
Stephen Hawking ang nagsabing ang mga
pangkalawakang butas ang nagbubuga ng mga
rayos ekis, isang pananaw na kontra sa paniniwala noon ng mga siyentipiko.