Ang
itlog ay bilugang bagay na naglalaman ng hindi pa ipinapanganak na batang anak ng mga
babaeng ibon (sisiw),
isda, o
reptilya. Ngunit maaari rin itong tumukoy sa isang nag-iisang
sihay, ang
obum, na nasa loob ng isang
hayop o
taong babae na maaaring maging isang
sanggol. Tinatawag na
balot ang napertilisahang itlog ng bibe. Tinatawag namang
puga ang itlog ng mga isda o ng mga
talangka. Ang itlog na hindi napisa at nabulok ay tinatawag na
bugok.