itlog ng bayag


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Itlog ng bayag
Ang mga itlog ng bayag (Ingles: testicle; mula sa Latin na testiculus, diminutibo ng testis, na nangangahulugang "saksi" ng birilidad,; ang testis ay pang-isahan, na nagiging testes kung maramihan) ay ang panlalaking gonad sa mga hayop. Katulad ng mga obaryo (katumbas ang obaryo ng babae ng itlog ng bayag ng lalaki), ang mga itlog ng bayag ay komponente ng sistemang reproduktibo at ng sistemang endokrino. Ang pangunahing mga tungkulin ng itlog ng bayag ay ang gumawa ng mga esperma (espermatohenesis) at gumawa ng mga androheno, pangunahin na ang testosteron. Ang mga tungkuling ito ay may kaugnayan sa pagkagustong makipagtalik.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.