Ang mga
minatamis, tinatawag ding
matamis,
kusilba, o
kinusilba (Ingles:
jam,
fruit preserve) ay mga paghahanda ng pagkain, gulay, at asukal, na kadalasang
tininggal (iyong
inilata o tinakpan na mahigpit para sa pangmatagalang pag-iimbak. Ang paghahanda ng mga minatamis sa ngayon ay kadalasang kinasasangkutan ng pagdaragdag ng kumersiyal o likas na pektin bilang sustansiyang dyel, bagaman maaari ring gamitin ang
asukal o
pulut-pukyutan. Bago sumapit ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga resipi ng minatamis ay hindi kinabibilangan ng pektin, at maraming mga minatamis na ginagawa ng mga artisano (iyong sanay sa paggawa ng minatamis) sa kasalukuyan ay hindi ginagamitan ng pektin. Ang mga sangkap na ginagamit at kung paano sila inihahanda ay naaayon sa uri ng mga minatamis: ang mga
halaya,
helatina, at mga marmelada ay mga halimbawa ng iba't ibang estilo ng minatamis na nagkakaiba-iba ayon sa mga sangkap na ginagamit.