Ang
hukom o
huwes (sa Ingles ay
judge) ang taong nangagasiwa sa
paglilitis sa hukuman na mag-isa o bilang bahagi ng lupon ng mga hukom. Ang kapangyarihan, tungkulin, paraan ng pagkakahirang, disiplina at pagsasanay ng mga hukom ay iba iba sa iba't ibang mga hurisdiksiyon. Ang isang hukom ay inaasahang magsasagawa ng
paglilitis sa isang patas at walang kinikilingang paraan sa isang bukas na korte. Ang hukom ay dumidinig ng lahat ng mga saksi at mga ebidensiya na inilatag ng mga partido(
nagsasakdal at
isinasakdal) sa kaso, sumusuri ng kredibilidad at mga argumento ng mga partido at naglalabas ng mga hatol batay sa interpretasyon nito ng batas o ayon sa sariling paghatol nito. Sa ibang hurisdiksiyon, ang kapangyarihan ng hukom ay ibinabahagi sa isang hurado (
jury).