Ang
angkop na pangangatawan o
angkop na katawan (Ingles:
physical fitness) ay binubuo ng maraming mga bagay, na kasama ang lakas ng katawan, katatagan ng katawan, kakayahang tumagal ng katawan, tibay ng katawan, kasanayan, at mabuting
kalusugan. Kinapapalooban din ito ng dalawang magkakaugnay na mga diwa:
pangkalatahang kaangkupan (tinatawag na
general fitness sa Ingles), na isang kalagayan ng kalusugan at mainam na kapakanan o kabutihan; at ang
espesipikong kaangkupan (
tiyak na kaangkupan o
partikular na kaangkupan, tinatawag na
specific fitness sa Ingles), na isang kahulugang nakatuon sa isang gawain batay sa kakayahang maisagawa ang tiyak na mga aspeto ng
palakasan o
isports, o kaya ng mga hanap-buhay.