Ang
kabalyero (Ingles:
knight) Ang mga kabalyero ay mga basalyo sa mga panginoon, na binibigyan ng mga panginoon ng lupain kung ang kabalyero ay makikibaka para sa kanila. Inisip ng mga kabalyero na ang karangalan ay napakahalaga, at mayroon silang isang kodigo ng dangal na tinatawag na
pagkakabalyero (
chivalry). Kadalasan silang mayroong
eskudo de armas (
coat of arms). Sa kasalukuyan, ang mga kabalyero ay pinapangalanan ng
Reyna. Ang ganitong uri ng pamagat ay kilala bilang Orden ng Imperyong Britaniko. Sa kasalukuyan, ang mga kabalyero ay tinatawag na
Sir na sinusundan ng kanilang unang pangalan. Marami sa mga kasapi sa nobilidad ang nagmula sa mga kabalyero. Halimbawa na si Wijerd Jelckama na ang ninuno ay isang kabalyerong namatay sa
handulong ang Antioch (1199).