Ang
kabataan, na tinatawag ding
tinedyer,
tin-edyer,
adolesente, o
lalabintaunin ay ang panahon, edad, o gulang na nasa pagitan ng pagiging isang
bata o
kilaw at hustong
adulto, o kaya ang yugto ng panahon kung kailan ang isang tao ay biyolohiyal o pisikal na adulto subalit emosyonal o makapandamdaming hindi pa husto ang
maturidad. Ang mga edad na itinuturing na bahagi ng
adolesensiya ay iba-iba ayon sa
kultura. Halimbawa, sa
Estados Unidos ang adolesensiya ay nagsisimula sa bandang edad na 13. Ang kataguriang
tinedyer o
tin-edyer ay nagmula sa Ingles na
teenager, pinaiiksing
teen, ay nagmula sa mga Ingles na salitang
thirteen (labintatlo) hanggang
nineteen (labinsiyam). Ang
tinedyer o
tin-edyer ay katumbas ng katagang
lalabintaunin. Ang adolesensiya ay kultural at hindi tumutukoy sa isang pirming yugto ng panahon. Ang salitang
adolesensiya ay nagbuhat sa
wikang Kastilang adolescencia, na nagbuhat naman sa
Lating
adolescere, isang
pandiwang may kahulugang "paglaki". Sa panahong ito, ang katawan, damdamin, at katayuang akademiko ng isang tao ay nagbabago ng malaki at marami.