Ang isang
bayani ay isang taong mayroong
kabayanihan, at mayroong kaugnayan sa pagiging
magiting o
matapang. Sa
mitolohiya at
kuwentong-bayang Griyego, ang isang bayani ay orihinal na isang
demi-diyos, na ang kulto ay ang pagiging isa sa pinaka katangi-tanging mga tampok ng sinaunang relihiyon ng Gresya. Ang isang demi-diyos ay ang anak na lalaki o babae ng isang imortal at ng isang magulang na mortal, na ang isang halimbawa ay si
Herakles, ang anak na lalaki ng reynang mortal na si
Alcmene at ang diyos na si
Zeus. Sa paglaon, ang salitang bayani ay naging tumutukoy na sa mga tauhan na, sa harap ng panganib at ng kagipitan o mula sa isang katayuan ng kahinaan, ay nagpamalas ng
katapangan at ng pagnanais na isakripisyo ang sarili - na tinatawag bilang kabayanihan - para sa ilang mas nakaaangat na kabutihan o kapakanan ng sangkatauhan. Ang kahulugang ito ay orihinal na tumutukoy sa kagitingan o kagalingan ng mandirigma subalit umaabot sa mas panlahat na kahusayang
pangmoralidad.