Sa isang uringnagsusupling o nag-aanak (reproduksyon) sa pamamagitan ng paraang seksuwal, ang kabighaniang seksuwal, pagkabighaning seksuwal, o atraksyong seksuwal ay isang pag-akit o atraksyon sa ibang mga kasapi ng katulad na mga uri para sa seksuwal o erotikong gawain. Sa maraming mga uri, hindi ito palaging nangangahulugan ng pagkakaroon ng gawaing seksuwal; sa katunayan, may ilang mga kaasalang seksuwal sa mga primado na karamihang gawaing panglipunan lamang.