Ang
kabute o
kabuti (Ingles:
mushroom) ay isang bahagi ng
halamang singaw na kahugis ng nakabukas at nakatayong
payong. Ito ay ang nagdadala
spore o
sporocarp mga butong-binhi ng halamang singaw. Tumutubo ito sa itaas ng lupa o kaya sa pinanggagalingan ng pagkain ng halamang singaw. Karaniwang nakakain ang mga ito subalit mayroon ding nakalalason.