Ang
pagmamalaki,
pagtataas-noo, o
orgulyo ay ang pagbibigay ng paggalang o pagpapahalaga sa sarili at maaari ring tumukoy sa pinakamatagumpay na nagawang bagay o yugto sa buhay at kalagayan. Ngunit nagiging
kayabangan,
kahambugan,
kapalaluan,
arogansya na ito kapag naging labis, kaya't itinuturing sa
Kristiyanismo bilang isa sa
pitong mga kasalanang nakamamatay.