kaharian (biyolohiya)


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kaharian (biyolohiya)
Mula sa taksonomiya ng biyolohiya, ang kaharian (Ingles: kingdom o regnum) ay isang kahanayang pang-taksonomiya na maaaring (batay sa kasaysayan) ang pinakamataas na ranggo, o (ayon sa bagong pamamaraang may-tatlong dominyo) ang hanay sa ilalim ng dominyo. Nahahati ang bawat kaharian sa mas maliliit na mga kalipunang tinatawag na lapi (o sa ilang diwa, tinatawag ang mga ito na "kahatian"). Sa kasalukuyan, gumagamit ang mga araling-aklat mula sa Estados Unidos ng pamamaraang may anim na kaharian: AnimaliaPlantaeFungi, Protoctista, Archaea, at Monera; habang ang mga saligang-aklat naman sa Britanya at Australia ay naglalarawan ng limang kaharian: AnimaliaPlantaeFungiProtista, at Prokaryota o Monera.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.