Ang
kalendaryo o
talaarawan ay isang sistema ng pagpapangalan ng mga panahon sa oras, partikular mga
araw. Kilala ang mga pangalang ito bilang petsa ng kalendaryo. Maaaring nakabase ang mga
petsa sa nakilalang paggalaw ng mga
astronomikal na mga bagay. Isang pisikal na kagamitan din (kadalasan papel) ang isang kalendaryo na naisasalarawan ang sistema (halimbawa, isang
kalendaryong pang-mesa) — ito ang pinakakaraniwang gamit ng salita.