Ang
likas na pagkatao (Ingles:
human nature), na tinatawag ding
kalikasan ng tao, ay kinabibilangan ng mga katutubo o taal na
ugali at sariling mga katangian ng
tao, o kaya ng mga katangiang kailangan o natatangi upang matawag ang isang
nilalang bilang isang tao. Kabilang sa mga katangiang ito ang paraan ng
pag-iisip,
pagdama, at pagkilos na likas na taglay ng tao.