Ang
ganda o
kagandahan (Ingles:
beauty,
charm) ay isang katangian ng isang
tao,
hayop,
lokasyon o pook, bagay, o ideya na nagbibigay ng karanasan ng
pananaw o
hiwatig ng
kaligayahan,
kahulugan, o
pagkapuno (
satispaksyon). Pinag-aaralan ang kagandahan bilang bahagi ng
estetika,
sosyolohiya,
sikolohiyang panlipunan, at
kalinangan. Bilang isang nilikhang pangkultura, labis na naging komersyalisado ang kagandahan. Isang katauhan o katawan ang "huwarang kagandahan" o "kagandahang ideyal" na hinahangaan, o nag-aangkin ng mga katangiang malawakan ibinubunton sa diwa ng kagandahan sa isang partikular na kultura, para sa
perpeksyon.