kalkulo


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kalkulo
Ang kalkulo (Latin, , may literal na kahulugang "isang maliit na bato na ginagamit para sa pagbilang") ay isang sangay ng matematika na pag-aaral ng mga hangganan (limits), deribatibo (derivatives), integral(integrals) at seryeng walang hangganan (infinite series). Ito ay bumubuo ng isang pangunahing bahagi ng makabagong edukasyong pampamantasan. Ang dalawang pangunahing sangay nito ang Diperensiyal na kalkulo at Integral na kalkulo, na may kaugnayan sa pundamental na teorama ng kalkulo. Ang kalkulo ay pag-aaral ng pagbabago, kung paanong ang heometriya ay pag-aaral ng mga hugis at ang alhebra ay pag-aaral ng ekwasyon. Ang kalkulo ay isang daan sa iba pang mas mataas na kurso sa matematika na nakatuon sa pag-aaral ng mga punsiyon at hangganan na tinatawag na matematikal na analisis. Malawak na nailalapat ang kalkulo sa aghamekonomika at inhenyeriya at maaaring lumutas ng mga suliranin na hindi nakakasapat ang alhebra lamang. Ang calculus sa kasaysayan ay tinatawag na "ang kalkulo ng mga inpinitesimal" o "inpinitesiamal na kalkulo". Sa mas pangkalahatan, ito ay tumutukoy sa sanumang paraan o sistema na ginagabayan ng simbolikong manipulasyon ng mga ekspresyon. Ang ilang mga halimbawa ng mga ibang mahusay na kilalang kalkulo ang kalkulong proposisyonal, kalkulong bariasyonal, kalkulong lambda, kalkulong pi at kalkulong join.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.