Sa lohikang matematikal at
agham pangkompyuter, ang
kalkulong lambda na isinusulat ding λ-kalkulo ang pormal na sistema para sa paglalarawan ng
punsiyon, aplikasyon ng punsiyon at
rekursiyon. Ang bahagi ng kalkulong lambda na mahalaga sa komputasyon ay tinatawag na walang-tayp na kalkulong lambda(untyped lambda calculus). Sa parehong may-tayp at walang-tayp na mga bersiyon, ang mga ideya mula sa kalkulong lambda ay nakatagpo ng aplikasyon sa larangan ng
lohika, teoriya ng
rekursiyon(komputabilidad) at linguistiks at may mahalagang papel na ginagampanan sa pagkakalikha ng teoriya ng mga
wikang pamprograma kung saan ang walang-tayp ng kalkulong lambda ang orihinal na inspirasyon para sa pagpoprogramang punsiyonal partikular na ang Lisp at ang may-tayp na kalkulong lambda ay nagsisilbing pundasyon ng modernong mga sistemang tayp.