Ang
kalusugang pang-isipan ay naglalarawan ng isang antas ng kapakanan na
pangsikolohiya, o ng isang kawalan ng isang
diperensiyang pang-isipan. Magmula sa pananaw ng 'sikolohiyang positibo' o 'holismo', ang kalusugang pang-isipan ay maaaring magbilang ng kakayahan ng isang indibiduwal na masiyahan sa pamumuhay, at makalikha ng isang paninimbang o balanse sa pagitan ng mga gawaing pampamumuhay at ng pagpupunyaging makapagkamit ng resiliyensiyang pangsikolohiya. Ang kalusugang pang-isipan ay maaari ring bigyan ng kahulugan bilang isang pagpapahayag ng damdamin, at bilang nagpapahiwatig ng isang matagumpay na pakikibagay o pakikiangkop sa isang kasaklawan ng mga paghingi o paghiling.