Ang kamao ay isang kamay na kinuyom ang mga daliri at palad. Karaniwang ginagamit ito sa di-armadong pakikipaglaban, katulad ng pakikipagsuntukan. Hudyat sa kahandaan sa pakikipag-away o di-pagsang-ayon ang nakakuyom na galaw o porma ng kamay sa ibang mga kultura.